Showing posts with label nurse may. Show all posts
Showing posts with label nurse may. Show all posts

Tuesday, September 23, 2014

Tindera.

 Pag wala akong pasok, at walang pera..dito mo ko makikita:
Meryendahan sa Arco.
Tindahan/ Meryendahan/ Bukuhan yan ng tita ko.
Buko juice lang dati ang tinitinda namen dito, pero dahil nasa hi-way sya papuntang Morong, Rizal...malakas talaga kumita. Yun, nakapuntadar na din ng maliit na sari-sari store. Tapos laging naghahanap ang mga costumer ng meryenda kaya yun, nagdagdag na naman.
Burger, Mami, Fishball, Kwek-kwek at kung anu-anu pa.
Minsan taga luto ako ng meryenda, minsan naman taga tinda ng buko.
Laging tanong ko: Lima o sampu?
Minsan pag bumyahe kayo dito sa Rizal at madaan kayo sa may arko na papasok ng Morong, daan kayo.
Masarap at puro ang buko:)
Ansabeee...nurse na,tindera pa!
Gusto kong nagtitinda kasi unlimited buko juice!
Its good for our health :)
Benefits:
Prevents dehydration.
Promotes heart health.
Promotes kidney health.
Fights aging.
Its good for the skin, Ive read.









Thursday, September 18, 2014

Hold on or Let go?

Yes. Nurse na ulet ako. At sa NICU ako naassign,kaya puro babies ang nasa paligid ko.  Masaya,pero minsan,hindi masyado.

Let me introduce you to Baby X. Due to privacy reason,I cannot post her real name or her face.
1 day old lang sya. She was born early,22 weeks pa lang sya,so halos wala pang 5 months sa tyan. Pero grabe,ang tibay nya,lumalaban. Usually,di tumatagal ng 24 hours ang mga gantong kapre-term,pero sya,lagpas na.  Napaisip tuloy ako... hirap na hirap sya, halata mong di pa sya handa na lumabas sa mundo, kelan ba masasabi kung hanggang kelan dapat pang ilaban o dapat ng ilet go? Di ko naman nakausap yung nanay nya.. pero ano kayang nararamdaman nya? Sa opinyon ko,oo siguro ang hirap mag let go,anak mo yan e,dinala mo ng ilang buwan, minahal mo. Pero mas mahirap na makita syang ganyan,nahihirapan, kakalabas pa lang pero kung ano-ano ng nararanasan. Opinion ko lang naman. Sino nga ba ko para humusga e di ko naman nararamdaman diba. Nakakalungkot lang na sa mura nyang katawan e kung anu-ano ng kotrapsyon ang nakakabit sa kanya. Pero kung sya nga lumalaban,bakit di nga naman naten bigyan ng pagkakakataon. Laban lang baby X,pero pag pagod kana,wag ka mag alala,wag matakot bumitaw, mas masaya sa dun sa pupuntahan mo.  May God bless you baby X.

Monday, September 15, 2014

Nurse May.

Sorry sa pic, eto lang kuha ko today e.

Yes,first day. Nurse ulet ako for the next 3 months.
I was given a chance na magtrabaho sa Rizal Provincial Hospital.
Mejo ok na yun, kesa naman sa wala diba.
Sa NICU ako naassign, di ko masyadong gusto pero atleast bagong experience.

Babies.Babies and Babies. I love babies kaso doble ang selan.
Kailangan precise lahat ng ginagawa mo kundi konting pagkakamali e buhay ang kapalit.
Though ganun naman sa lahat ng pasyente, pero ang baby kasi e di naman makakapagsalita.
Kahit may masakit na, wala kang kaidi-idea.
Kaya goodluck na lang samen.

Excited ako at kinakabahan.
Antagal kong natengga. Kaya ko pa ba?
Sana. Dapat pala. Dapat talaga.

Thursday, June 7, 2012

Why?

Di ako showy na tao. Di masyadong nagpapakita ng emosyon. Di masyadong open sa totoong nararamdaman o naiisip. Pero there are some midnights when I tend to pour my heart out. I need to vent and theres no one to listen. So here I go,coming back to blogging world.