Let me introduce you to Baby X. Due to privacy reason,I cannot post her real name or her face.
1 day old lang sya. She was born early,22 weeks pa lang sya,so halos wala pang 5 months sa tyan. Pero grabe,ang tibay nya,lumalaban. Usually,di tumatagal ng 24 hours ang mga gantong kapre-term,pero sya,lagpas na. Napaisip tuloy ako... hirap na hirap sya, halata mong di pa sya handa na lumabas sa mundo, kelan ba masasabi kung hanggang kelan dapat pang ilaban o dapat ng ilet go? Di ko naman nakausap yung nanay nya.. pero ano kayang nararamdaman nya? Sa opinyon ko,oo siguro ang hirap mag let go,anak mo yan e,dinala mo ng ilang buwan, minahal mo. Pero mas mahirap na makita syang ganyan,nahihirapan, kakalabas pa lang pero kung ano-ano ng nararanasan. Opinion ko lang naman. Sino nga ba ko para humusga e di ko naman nararamdaman diba. Nakakalungkot lang na sa mura nyang katawan e kung anu-ano ng kotrapsyon ang nakakabit sa kanya. Pero kung sya nga lumalaban,bakit di nga naman naten bigyan ng pagkakakataon. Laban lang baby X,pero pag pagod kana,wag ka mag alala,wag matakot bumitaw, mas masaya sa dun sa pupuntahan mo. May God bless you baby X.
Aw sana mabuhay cya huhu baby x kya mo yan
ReplyDelete