Monday, September 22, 2014

Leche Fail

Its a free day from work, At dahil wala akong magawa, at wala akong makain...Nagsearch ako ng pwedeng gawin. I end up with Leche Puto. Nabasa ko kasi sa isa sa mga blog na pinafollow ko yung tungkol dito. Pero dahil wala din akong pera, kung ano na lang meron sa bahay na ingredients, yun na lang ang ginawa ko. Nauwi sa leche flan. Hindi talaga ko nagluluto. Nagbebake ako, pero aside from cakes and pastries, wala. So pardon me for my failure. Inadopt ko lang yung recipe ng flan sa leche puto.


Eto lang ang ingredients ko.
1 can condense milk, 4 eggyolk, 2 calamansi juice

 Pinaghalo-halo ko lang yung ingredients.


At ang favorite part ko, ang pagkain ng natirang condense milk. Yummmmm!

Nagcaramelize ako ng sugar sa lyanera tapos nilagay ko yung mixture then sinalang ko na sa steamer.
Sinunod ko lang naman yung nasa recipe. But sadly, ganito nangyari:( 
Malambot sya.. Tinagalan ko pa yung salang nya pero ganun pa din. Saka its too sweet.
Yun. Fail. Pero ok pa din naman kasi edible naman. 
Nakain pa din naman namen.
Ulitin ko na lang sa susunod. Baka sakaling makuha ko na:)






Never a failure.
Always a lesson❤

2 comments:

  1. Try mo 2 condense milk, 1 evap. 2 calamansi. Steam mo for 35mins.
    I prefer Milkmaid brand and carnation. Ü

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll try that next time Katherine Thanks:)

      Delete